Latest News

For Those Who Were Wet and Stranded

Posted by Keb on Sunday, September 27, 2009 , under | comments (0)



Nasa Marikina ako kahapon. Himala at nakauwi pa ako. Buti na lang nakasakay agad ako ng LRT. Pero kahit na masaya ako at nakauwi ako ay nalulungkot at naaawa ako sa mga taong naiwan, nalunod, nawalan ng bahay, namatay, at nasira ang buhay hindi lamang sa Marikina kundi sa lahat ng lugar sa Pilipinas dahil sa bagyong Ondoy.

Ang isusulat ko ay para sa mga taong nahirapan, nahihirapan, at mahihirapan sa mga pangyayaring dulot ng nasabing bagyo. Nakapanlulumo ang nangyari. Para po sa mga kapwa natin Pilipino, ipagdasal po natin ang ating mga kababayan.

Ipagdasal po natin sila.
Para Sa mga Nabasa at Nasalanta

Isang katahimikan ang aking hinihiling
Para sa mga taong dumaraing
Para sa mga taong umaasam
Para sa mga taong humihiling
Ng kaligtasan at liwanag sa oras ng dilim

Isang katahimikan ang aking hinihiling
Para sa mga nawalan
Para sa mga namatayan
Para sa mga nasiraan ng bahay
Para sa mga na-stranded sa baha
Sana sila ay maging maayos sa oras ng kagipitan

Isang katahimikan ang aking hinihiling
Para sa mga nagugutom
Para sa mga walang tulog
Para sa mga nasugatan
Para sa mga nabasa ng ulan
Na humihingi ng saklolo sa oras ng kahirapan

Isang dasal ang aking hinihiling
Sana ay mapabuti ang kalagayan ng mga taong ito
Sana ay mapawi ang luha sa kanilang mukha
Sana ay gumaang ang kanilang nabibigatang puso
Sana ay bukas ay mabawi ang lahat
Sana para lamang sa mga nabasa at nasalanta