Latest News

Paano Mo Masasabing Totoo ang Isang Bagay?

Posted by Keb on Sunday, June 21, 2009 , under | comments (0)



Madalas siguro natanong mo na sa sarili mo, "Totoo ba ito? Baka ginagago lang ako nito! HAHA!". pero paano nga ba natin masasabi na real ang isang bagay? Di ko rin alam iyong sagot e, sori naman. Pero may sarili akong opinyon tungkol sa bagay na ito. Simple lang.

If you think therefore it is.

Parang iyong kay Rene Descartes:

"I think therefore I am"

Bigotilyo si Descartes amp! Kala mo si Mr. Potato Head! BWAHAHAHA!


"Anong TINITINGIN TINGIN mo ha?! Iyong PINK kong tenga?! G%#*& KA!"
BWAHAHAHAHA!


Ok back to topic. Sabi ni Rene (OO, close kami, angal?) iniisip niyang totoo siya kaya malamang totoo nga siya na ang ibig sabihin e nakikita siya ng nanay niya na nakita ng manugang ng nanay niya na nakita ng anak nila na nakita ng lolo niya na nakita ng aliens na dumokot sa kanila si Rene. Pero hindi ibig sabihin na kapag di mo nakikita ang isang bagay e hindi na ito totoo. Pano iyong hangin. "E kasi nararamdaman!". E pano iyong love? "E kasi nararamdaman." Magulo na ba? Ako rin e, naguluhan! HAHAHAHA! Eto lang iyon. Maniwala ka sa gusto mong paniwalaan, it wouldn't hurt much naman di ba? Maniwala kang totoo iyong bagay na iyon dahil sa tingin mo totoo iyon. Simple? Hindi rin! HAHAHA! Sige bye na muna at eto ang hanging question:

"Totoo kaya ako?"

KANTA YAN! "214" ng Rivermaya! AM I REAL DODOOOODODOO DOOODOO make me feel! HAHAHAHAHA.

FIN.


The Week It Was!

Posted by Keb on , under | comments (0)



Nakakapagod. Pero masaya naman e! Masaya iyong mga subjects ko sa Philo, ewan pero naeenjoy ko sya. At marunong akong mag-spanish kahit konti! Haha! OLA! Nice nice di ba? Ang iniisip ko lang ngayon e pano kung madaming assignments, sana di naman madami, at nasan na ba iyong mga quizzes sa syllabus? Hindi ko kasi makita, totoo bang long quizzes lang ang meron? O meron ring short ones? Either of the too, I still have to be prepared, saka na ako magsusulat ng aking intellectual ideas (parang meron no? Pero WALA naman haha!) kasi baguhan pa lang ako sa UP at wala pa namang exciting na nangyayari (iyong tipong nahulog ako sa jeep, nagkasakit ang teacher, chuchu, atbp). Debut kahapon nung kapatid ni bespren Louie si Ate Jona, BELATED HAPPY BDAY!! :) May incoming orientation pala college namin, so help me God. Iyon long for now, byebye! God bless!

First day ko sa UPD

Posted by Keb on Tuesday, June 16, 2009 , under | comments (0)



HELLO! 2 months bago ako magpost ng bago dito, hahahahaha, tinamad ako e, normal iyon! Ngayon ay college na ako at medyo pagod na ngayong gabi. Etong susunod e ang experience ko sa first day ko sa UPD.

First day?

Ayos lang. Cheesy. Haha joke lang, well by far maayos naman, I was an hour and a half earlier, beat that for a freshie with only one subject! Haha joke. Pagpasok ko ng CAL may mga Anakbayan, sabi ko nice then I walked upstairs telling myself this is UP. Ang una kong klase was at CAL 510 which was English 1, the room was cozy and the prof was cool (she reads Neil Gaiman). Nung pumunta ako sa room e nahihiya pa ako, pa-demure ika nga nila. I was wondering or hoping sana wala na ung prof para sibat na kaagad, as time passed by ayun dumating iyong mga ka-blockmates ko from Philo at kasunod nila e iyong instructor! NICE! MAY KLASE! AMP! Haha! Tungkol pala sa mga essays ung Eng 1, e di roll call muna, buti yung iba naka-laminate ung Form 5s nila, ang ganda tuloy tingnan, iyong akin durog e. Nagtanong yung teacher namin kung anong mga books ang binabasa namin, sagot naman ako Dan Brown haha un ung recent na nabasa ko e. Then before we capped off the class sabi nung prof, gawa muna ng essay about who you want to be if you're a superhero. Who did I choose? Batman, anonymously, gusto ko kapa niya e, bulletproof iyon! Haha! Tapos nga pala ang dami kong nakitang high school friends, si Ken (na papuntang Math building), Ileene and Jessica (na nakasabay namin pauwi), Joshua (na kumain sa CASAA), si Jennylyn (na may kasamang babae), at si Sheila (na parang galit haha). Hindi ko na masyadong maielaborate ang mga bagay bagay medyo pagod na ako e. Pahinga na muna ako, and I'll try to update my blog as often as possible and create longer and funnier events in my so-called college life. So until here na lang muna. Sabi nga ni John Lloyd, INGAT! Salamat kay Kenj! Pati na rin kay Ileene at Jes!