Latest News
Ang Kwan. Bow!
Posted by Keb
on
Friday, January 30, 2009
, under |
comments (0)
Nakalimutan kong mag-post kagabi, busy kasi ang buhay (madaming gagawin, so little time, and it is really running out, emo!). Kahapon kasi medyo nabadtrip/nawala sa mood at ang rason? Isipin mo na lang na ang garapata nakiki-hitch hike sa isang aso para makapunta sa ibang lugar, na ang orchids ay kumakapit sa puno para mabuhay, na ang damo ay nabubuhay katabi ng mga halaman, na ang bumbay ay nagpapa-five six (walang konek), na mas mahal ang G-tec kaysa sa HBW (wala ulit konek), na na na na na ne ni no nu, ahh basta hindi naman ako galit, naiinis laang. Pero ngayon ayos na ako, ligo lang pala ang katapat ng aking tampururot, may practice pa kami para sa Teatro bukas, at gagawa pa ako ng vid, at magdedefend pa ako ng thesis ko at potek dapat wala ng "at" dapat "tapos na". Haiy. Kapagod maging estudyante no? Apir! Pero sarap naman ng feeling na ga-graduate ka na e.
Tapos magkakaroon ng march ng flags, awardees, teachers, at at...huhuhuhu parents na super tuwa! At tapos ng ceremonies may iyakan, yakapan, sundutan (ng ilong kunyari close sila!), at bukas magkasama na ulit sa tamabayan na parang walang nangyari, asteeg di ba? Pero sabi nila na ang high school life mo na raw ang pinakamasaya sa lahat na madaraanan mo, sabagay may punto sila dun. 11 na pala GTG! Bye for now!
P.S.
Ang sabi ng araw sa tao, "Lagi akong magbibigay liwanag kahit di mo kailangan."
- Anonymous
P.S.2
Kakornihan ko lang iyong nasa taas, attempt ko lang sa pagiging next na Balagtas. BYE!
Tapos magkakaroon ng march ng flags, awardees, teachers, at at...huhuhuhu parents na super tuwa! At tapos ng ceremonies may iyakan, yakapan, sundutan (ng ilong kunyari close sila!), at bukas magkasama na ulit sa tamabayan na parang walang nangyari, asteeg di ba? Pero sabi nila na ang high school life mo na raw ang pinakamasaya sa lahat na madaraanan mo, sabagay may punto sila dun. 11 na pala GTG! Bye for now!
P.S.
Ang sabi ng araw sa tao, "Lagi akong magbibigay liwanag kahit di mo kailangan."
- Anonymous
P.S.2
Kakornihan ko lang iyong nasa taas, attempt ko lang sa pagiging next na Balagtas. BYE!
Teatro!!!
Posted by Keb
on
Wednesday, January 28, 2009
, under |
comments (0)
Gumawa kami ni Toltol (AKA Kenj) ng mga ticket at souvenir para sa play namin sa Teatrong Walang Pangalan, asteeg nga ng mga kinalabasan, nakakatuwa ahahaha. Mukhang vintage something ang lumabas at masaya ako doon! Panoorin niyo sana iyong presentation namin at maipapalabas namin siya sa February 6-7, 2009 sa CCSHS AVR. Nga pala! Tuloy na ang prom namin yehey! HEPHEP HOORAY!!! Medyo seryoso muna mga blog ko wala munang kalokohan hehe, sa susunod na lang ulit iyong mga kalokohan kong iyon. Ito pala iyong para sa teatro namin (mga cards/souvenirs):
Front Page
Prom: Part 2
Posted by Keb
on
Tuesday, January 27, 2009
, under |
comments (0)
Yes! Kahit paano ay nabigyan ako ng pag-asa, baka magkaroon pa ng promenade ball. Sana nga magkaroon kami kasi last year na namin to e. Eto iyong panahon na kung saan nagmumukha kaming disenteng tao sa mga gowns at suits namin, hanep ang pomada at gel sa buhok ng lalake, baby oil at spray net naman sa mga girls, asteeg, tapos ang guguwapo ng mga lalake at nagsisigandahan ang mga babae, asteegin. Ayos rin iyong parang batch prophecy last year courtesy of Jelik, haha akalain mo nga naman may astronaut sa batch namin! DOBOL ASTEEG! Tapos magsasayawan na, ako kapartner ko si Kenj e, pero may sinayaw rin naman akong ibang mga babae, masaya feeling na nakikipag-bonding ka sa mga tao in a formal manner feeling mo parang mature ka na kahit minsan hindi pa (and at some instances hindi talaga) kaso ngayong fourth year nakakaiyak, last na to e sa college naman kasi walang ganito ganito, kung meron man bibihira. Kaya nga gusto ko magkaroon ng ganito e, last year na, huling prom, ga-graduate na tayo, maganda sana kung meron man tayong idagdag na bagong memories di ba? Emo mode ata ako ngayon. *Biglang maaalala ang Friends Forever* HUHUHU! LAPIT NA KASI NG GRADUATION!!! I LOVE YOU ALL!!! Korni na ulit. Until next time!!
Prom atbp.
Posted by Keb
on
Monday, January 26, 2009
, under |
comments (0)
Medyo nanghihinayang ako kanina ng malaman ko na wala na kaming prom, hindi kasi umabot sa tamang bilang iyong mga resolutions e, pero sabi nga nila, carry lang. Sayang nga e kasi last year na sa high school pero okay lang. Bukod pa dun e nagkaron ng eliminations para sa Most Outstanding Student of Caloocan, wow bigaten, hirap nung test kasi ung ibang items medyo limot ko na, salamat sa sampung piso ni Christine at naalala (at nalaman) ko ang spelling ng Barasoain Church, oha! AMP! At kanina noong pumunta kami sa National ni Toltol ay nakakita ako ng libro tungkol sa origami, kahit hapon ito at di ko maintindihan ay nabighani ako sa mga shapes at pwedeng mangyari sa buhay mo kapag tumupi ka ng papel, pwedeng Pikachu, puno, ibon, ibon, bird...ibon? Puro iyon kasi yung nandun pero ASTEEG!!! Hmmm...kapag tumanda na ako eto pangarap kong gawing origami...
Lilipad ako dito!
Thoughtless Insights
Posted by Keb
on
Sunday, January 25, 2009
, under |
comments (0)
Alam niyo ba na ang sumpit ay hindi lang munggo ang ginagamit na bala, pati pako na nasa kahoy ginagamit na rin, deadly! Bumili kasi kahapon si Ser Cabic (complete with a crossbow set pa) sa Nayong Pilipino, kala mo hired killer at vigilante ala The Punisher. Kaso mahal e, mga ita nagbenta sa amin, akin naman pala ay pana pang-Physics lang, projectile kasi ang arrow kapag na-release. Madaming crossbow at sumpit dun e, ewan ko lang kung bakit madaming nagbebenta kahit na medyo delikado, i-imagine mo 'yung lasing:
L1: Paaaareeee, may sumpeeeeet ako galing Nayong Pilipino...etttoooo ung bala o...uno medya na paaaaakoooo...*hic*
L2: Pateeengin nga pare...*hic* abaaaa...*hic* ganda nito ahhh...*hic*...patesting naman pareee...*hic*
L1: Eto pareeee...*hic*
L2: Pano ba ito gamitin *hic*? Ganito ba *hic*? *SWOOOSHHH*
L1: *SWOOK* galing pare bull's eye...*hic* pero pare parang may dugooo ata...*hic*
L2: Pare...*hic* lasing ka lang...
Di ba delikado? Ano ang moral ng lesson? Wag iinom ng beer mahirap malasing, baka mabull's eye ang eye mo, o di kaya maging porkchop ang hiwa sa binti mo, yuck. Kagaya nga ng sinabi ni Robin Padilla, be a liver-lover boy!!! Pero kung di mapigilan, matulog na lang.L1: Paaaareeee, may sumpeeeeet ako galing Nayong Pilipino...etttoooo ung bala o...uno medya na paaaaakoooo...*hic*
L2: Pateeengin nga pare...*hic* abaaaa...*hic* ganda nito ahhh...*hic*...patesting naman pareee...*hic*
L1: Eto pareeee...*hic*
L2: Pano ba ito gamitin *hic*? Ganito ba *hic*? *SWOOOSHHH*
L1: *SWOOK* galing pare bull's eye...*hic* pero pare parang may dugooo ata...*hic*
L2: Pare...*hic* lasing ka lang...
Wow! Naayos ko rin!
Posted by Keb
on , under |
comments (0)
Yehey! Medyo maaus na blog ko! Nalagyan ko na ng iMeem at ng Cbox. Okay go!!! Ang babaw ko pala!!! Gagawin ko pa pala ang IP na Mam Mondoy, dang. Bukas ko kasi ipapasa iyon. Tungkol iyon sa mga lamok at mga citrus fruits (KONTRA DENGUE!). Be back later!!! :)
Ang Huling Field Trip Sa High School
Posted by Keb
on
Saturday, January 24, 2009
, under |
comments (0)
January 24, 2009. Ano'ng meron? Field Trip NAMIN!!! Gumising ako ng medyo maaga kumpara sa aking usual na paggising, mga 5 o'clock ng umaga gising na ako. Ang una kong ginawa ay umupo sa aking mahiwagang trono at naligo na ng tuluyan. Kumain ako ng aking agahan dahil alam ko na ang aming pupuntahan ay malayo, oo malayo, pano ko nalaman na malayo? Dahil sa letter na binigay, duh. Matapos kumain ay sinuot ko na ang damit ng aking pinakamamahal na GF, si KENJI CATE C. TAMBO!!! Cool na cool lang ako sa pagupo sa loob ng bahay, ngunit ang aking tyan ay kinapupunuan na ng mga paputok ang aking tiyan na gustong sumabog (in short excited ako)!E di dalidali ko ng binitbit ang aking mga baon, at kung anu ano pa, at ang aking EVER SUPPORTIVE na nanay ay hinatid ako sa school (NICE)! Hintayan na ang drama sa school ng ako ay dumating, madami pa palang mas maagang dumating sa akin kahit na sa kabilang kanto lang ang bahay namin, dammit, di ako makakapanggulat. Isa isa ng dumating ang aking mga kaibigan at kaklase kasama si Kenj, sakto naman ay mayamaya ay pinapila na kami upang pumunta sa kanyakanyang bus, ang napunta sa amin ay ang bus number 3! Ngayon, nandun na kami sa bus, kainan na ang nangyari, subo dito, dila doon, donut dito, chichirya doon, sana hindi na lang ako nagagahan para nakarami ako, pero ayos lang naman. Ang dami naming napuntahan, Nature's Spring, Nayong Pilipino, Paradise Ranch (nice Eman), at ang DUTY FREE (AKA Pure Gold)! Daming chocolate dun! Ano ka ngayon Axe Dark Temptation?! Anyways, oo masaya, pero mas malungkot, bakit kamo? Fourth year na ako e, kami, ga-gradute na, meaning wala ng masasayang field trip sa high school, konting bonding moments, iyakan na ang susunod, malapit na iyon sigurado ako, well, all is well that ends well. Masaya ang field trip namin ngayon! Masaya ang magkaroon ng kalog, mali...wanag magisip, palabiro, madaming pagkain, galante, at higit sa lahat maasahang kaibigan. Hindi ko malilimutan itong field trip na ito. Huli na ito kaya kailangang alalahanin, isapuso at isaisip. Corny na e, ibig sabihin stop na. Kaya hanggang dito muna.
P.S.
Naiwan ko notebook ko sa chem sa bus. Ang husay ko! Mabuhay ang aking mga kalahi! AHU AHU AHU!
Welcome!
Posted by Keb
on , under |
comments (0)
So, eto 'yung una kong post. May blogs ako dati, kaso walang laman, kasi walang time magpost, pero ngayon dahil nagiging light ang schedule ay pipilitin kong ayusin ang aking online diary. Kaya ano pa ba ang hinihintay natin? Basa na!