Ang Kwan. Bow!
Friday, January 30, 2009
, Posted by Keb at 10:07 PM
Nakalimutan kong mag-post kagabi, busy kasi ang buhay (madaming gagawin, so little time, and it is really running out, emo!). Kahapon kasi medyo nabadtrip/nawala sa mood at ang rason? Isipin mo na lang na ang garapata nakiki-hitch hike sa isang aso para makapunta sa ibang lugar, na ang orchids ay kumakapit sa puno para mabuhay, na ang damo ay nabubuhay katabi ng mga halaman, na ang bumbay ay nagpapa-five six (walang konek), na mas mahal ang G-tec kaysa sa HBW (wala ulit konek), na na na na na ne ni no nu, ahh basta hindi naman ako galit, naiinis laang. Pero ngayon ayos na ako, ligo lang pala ang katapat ng aking tampururot, may practice pa kami para sa Teatro bukas, at gagawa pa ako ng vid, at magdedefend pa ako ng thesis ko at potek dapat wala ng "at" dapat "tapos na". Haiy. Kapagod maging estudyante no? Apir! Pero sarap naman ng feeling na ga-graduate ka na e.
Tapos magkakaroon ng march ng flags, awardees, teachers, at at...huhuhuhu parents na super tuwa! At tapos ng ceremonies may iyakan, yakapan, sundutan (ng ilong kunyari close sila!), at bukas magkasama na ulit sa tamabayan na parang walang nangyari, asteeg di ba? Pero sabi nila na ang high school life mo na raw ang pinakamasaya sa lahat na madaraanan mo, sabagay may punto sila dun. 11 na pala GTG! Bye for now!
P.S.
Ang sabi ng araw sa tao, "Lagi akong magbibigay liwanag kahit di mo kailangan."
- Anonymous
P.S.2
Kakornihan ko lang iyong nasa taas, attempt ko lang sa pagiging next na Balagtas. BYE!

Currently have 0 comments: