Latest News

Ang Huling Field Trip Sa High School

Saturday, January 24, 2009 , Posted by Keb at 10:00 PM

January 24, 2009. Ano'ng meron? Field Trip NAMIN!!! Gumising ako ng medyo maaga kumpara sa aking usual na paggising, mga 5 o'clock ng umaga gising na ako. Ang una kong ginawa ay umupo sa aking mahiwagang trono at naligo na ng tuluyan. Kumain ako ng aking agahan dahil alam ko na ang aming pupuntahan ay malayo, oo malayo, pano ko nalaman na malayo? Dahil sa letter na binigay, duh. Matapos kumain ay sinuot ko na ang damit ng aking pinakamamahal na GF, si KENJI CATE C. TAMBO!!! Cool na cool lang ako sa pagupo sa loob ng bahay, ngunit ang aking tyan ay kinapupunuan na ng mga paputok ang aking tiyan na gustong sumabog (in short excited ako)!E di dalidali ko ng binitbit ang aking mga baon, at kung anu ano pa, at ang aking EVER SUPPORTIVE na nanay ay hinatid ako sa school (NICE)! Hintayan na ang drama sa school ng ako ay dumating, madami pa palang mas maagang dumating sa akin kahit na sa kabilang kanto lang ang bahay namin, dammit, di ako makakapanggulat. Isa isa ng dumating ang aking mga kaibigan at kaklase kasama si Kenj, sakto naman ay mayamaya ay pinapila na kami upang pumunta sa kanyakanyang bus, ang napunta sa amin ay ang bus number 3! Ngayon, nandun na kami sa bus, kainan na ang nangyari, subo dito, dila doon, donut dito, chichirya doon, sana hindi na lang ako nagagahan para nakarami ako, pero ayos lang naman. Ang dami naming napuntahan, Nature's Spring, Nayong Pilipino, Paradise Ranch (nice Eman), at ang DUTY FREE (AKA Pure Gold)! Daming chocolate dun! Ano ka ngayon Axe Dark Temptation?! Anyways, oo masaya, pero mas malungkot, bakit kamo? Fourth year na ako e, kami, ga-gradute na, meaning wala ng masasayang field trip sa high school, konting bonding moments, iyakan na ang susunod, malapit na iyon sigurado ako, well, all is well that ends well. Masaya ang field trip namin ngayon! Masaya ang magkaroon ng kalog, mali...wanag magisip, palabiro, madaming pagkain, galante, at higit sa lahat maasahang kaibigan. Hindi ko malilimutan itong field trip na ito. Huli na ito kaya kailangang alalahanin, isapuso at isaisip. Corny na e, ibig sabihin stop na. Kaya hanggang dito muna.

P.S.

Naiwan ko notebook ko sa chem sa bus. Ang husay ko! Mabuhay ang aking mga kalahi! AHU AHU AHU!

Currently have 0 comments:

Leave a Reply

Post a Comment