Latest News

Paano Mo Masasabing Totoo ang Isang Bagay?

Sunday, June 21, 2009 , Posted by Keb at 10:20 PM

Madalas siguro natanong mo na sa sarili mo, "Totoo ba ito? Baka ginagago lang ako nito! HAHA!". pero paano nga ba natin masasabi na real ang isang bagay? Di ko rin alam iyong sagot e, sori naman. Pero may sarili akong opinyon tungkol sa bagay na ito. Simple lang.

If you think therefore it is.

Parang iyong kay Rene Descartes:

"I think therefore I am"

Bigotilyo si Descartes amp! Kala mo si Mr. Potato Head! BWAHAHAHA!


"Anong TINITINGIN TINGIN mo ha?! Iyong PINK kong tenga?! G%#*& KA!"
BWAHAHAHAHA!


Ok back to topic. Sabi ni Rene (OO, close kami, angal?) iniisip niyang totoo siya kaya malamang totoo nga siya na ang ibig sabihin e nakikita siya ng nanay niya na nakita ng manugang ng nanay niya na nakita ng anak nila na nakita ng lolo niya na nakita ng aliens na dumokot sa kanila si Rene. Pero hindi ibig sabihin na kapag di mo nakikita ang isang bagay e hindi na ito totoo. Pano iyong hangin. "E kasi nararamdaman!". E pano iyong love? "E kasi nararamdaman." Magulo na ba? Ako rin e, naguluhan! HAHAHAHA! Eto lang iyon. Maniwala ka sa gusto mong paniwalaan, it wouldn't hurt much naman di ba? Maniwala kang totoo iyong bagay na iyon dahil sa tingin mo totoo iyon. Simple? Hindi rin! HAHAHA! Sige bye na muna at eto ang hanging question:

"Totoo kaya ako?"

KANTA YAN! "214" ng Rivermaya! AM I REAL DODOOOODODOO DOOODOO make me feel! HAHAHAHAHA.

FIN.


Currently have 0 comments:

Leave a Reply

Post a Comment