Latest News

Nang...

Friday, July 3, 2009 , Posted by Keb at 9:29 PM

"Kumusta ka na mambabasa? Na-miss mo ba ako? Marahil hindi! POTEK! I HATE YOU NAHH!"

- iyan sana ang sasabihin ko kung ako ay papansin, pero papansin ako pero di ko sinabi pero kailangan ko pa bang sabihin ang bagay na nasabi na? Hindi ba redundancy na iyon? Katulad nito? Nito? Nito? Nangtitrip lang naman ako e. Pagbigyan mo na ako kasi ngayon lang ulit ako magpopost dito. WATCHUTHINK EHH?! Ang magreact panget at magkakaron ng pimple na may nana (YUCK!) sa may dila (AWHH SAKET!) BWAHAHAHAHAHAHARHARHARHAR!


Friday na naman. Pahinga nga ba ang puwedeng mangyari ohassle na naman sa school works. Pero bago tayo dumaong sa mga bagay na masakit isipin e happy moments muna tayo.



"I'm so gleeful! UH HUH HUH HUH!"

Okay tapos na ang happy moments back to our story

Nagsimula ang araw ng simple. Span10, Philo12, Kas1, at Philo10 lang ang mga klase. Nanuod kami sa Philo10 ng dokyu tungkol sa Indian history (Cool.) at meron kaming activity (NAH, not COOL.) at pinapili kami sa arts or music (COOL!) ngunit wala akong acoustic guitar (POWTEK.). Gusto kong tumugtog e, kaso Indian music at hindi ako masyadong pamikyar sa ganoong field. Sana kung tungkol sa mga heartbreaks, kamatayan, pasko, isaw sticks, havaianas, at kung ano pa na maririnig sa contemporary rock music. Haiy, kaya ngayon ay pagaaralan ko kung paano ang tunog ng sitar-ang common instrument ng INDIAN music! SHEMAYS!



So many frets, so little time. Dapat nag stick na lang si manong sa ukelele.
Boy: Manong pano ho ang G sharp augmented?
Manong: Uhh...eto o...*dukot*
Boy: Manong hindi po T-back.
Manong: Sabi mo G sharp augmented, eto ang G String mo amp!

Gagawa pa ako ng music with regards to its (Indian) philosophy. Kaya natin to dahil...


...ang gagawa ng music ko! *YABANG MO KEVIN! HARHAR!


At bukod pa doon e gagawa pa ako ng essay sa Eng1 ko para kay Oble at sa Quezon Hall na kanyang tinitirhan dito sa Diliman. Haiy, ang naisip ko pa lang e kung nilalamig si Oble sa gabi. Baka sipunin siya di ba? Kawawa naman ang ating simbolo ng katotohanan.

Kumain kami kanina ng isaw sa tapat ng International Center sa Peyups kanina. Sarap P2 lang isang serving at ang daming bumibili! Haha! Kahit taga-Miriam e umaabot dun e! Kaso ang tagal ng aming paghihintay pero it's worth it naman e.



This is not a cooked worm, damn it. This is isaw, this is worse than that. :)

So paano ba yan, paalam na talaga to. Sa uulitin sana mabasa mo pa ang mga isusulat ko. Mamimiss kita.


P.S. Manood kayo ng UAAP ha! :)


Currently have 0 comments:

Leave a Reply

Post a Comment