Latest News
Sa Bagong Taong Darating.
Posted by Keb
on
Thursday, December 31, 2009
, under |
comments (0)
Malapit ng mag-2010. Ano ang balak mo sa buhay mo? Mananatili ka na lang na katulad ng dati? Hindi magbabago? Hindi susubukang magbago? Magiging ganyan ka na lang? Nakatirik ang buhay at walang nangyayari? E pano kung nasasaktan ka? Ayaw mo bang sumaya? Anong gagawin mo? Ano?
Ako? Gagawin ko iyong mga bagay na hindi ko nagawa dati...mga bagay na alam kong gusto ko at magpapasaya sa akin. Magpapakasaya ako sa taong darating. Kung masasaktan man ako ng husto dahil sa aking katangahan ay tatanggapin ko ng lubos ang mga iyon. Hindi naman lahat ng bagay e nagtatapos sa kasiyahan. Lalo ring hindi lahat ng bagay e nagtatapos sa kalungkutan. Bakit ka malulungkot kung puwede ka naman sumaya? Ang buhay e binubuo ng mga choices, kaya huwag kang manisi ng iba kapag nagkamali at nadapa ka. Ang gawin mo e imbes na magbunganga ka at magreklamo e tumayo ka at harapin ang kasalukuyan. Maghanap ka ng solusyon sa problema mo. Gamutin mo ang sugat mo.
2010 na. Mamahalin pa rin kita. Kahit hindi mo ako kailangan at gusto. Alam mo kung bakit? Ikaw iyong nagpapasaya sa akin e. Hindi mo man mabasa ito agad. Alam mo naman na sinulat ko ito mula sa puso ko. Cheesy? Siguro. Pero iyan ang nararamdaman ko e. Ikaw ang rason kung bakit ako masaya. Ako lang ang nagpapalungkot sa sarili ko.
Happy new year sa inyong lahat. Cheers. Ngiti lang kailangan. :)

Isang Kandila.
Posted by Keb
on
Monday, December 28, 2009
, under |
comments (0)
Isa lang akong kandila. Isang kandilang may sindi sa aking mitsa at unti unting nauupos. Ang aking apoy ay lubhang napakalaki ngunit kapalit nito ay ang aking pagkatunaw, ang aking mga luha. Darating na lang ang panahon na mamatay ang kandila. Sunog ang mitsa at walang apoy na natitira. Hanggang doon na lang ba? Oo. Hindi. Siguro puwede nating ihulma ang natunaw na kandila at buuin ulit ang nasirang kandila. Ngunit hindi na ito magiging katulad ng nauna, hindi na.
Sigaw.
Posted by Keb
on , under |
comments (0)
Nakakasawa na lang ang mga nangyayari. Nakakainis. Nakakabagot. Lagi na lang naman ganito e, hindi pinapansin ng dapat pumansin. Oo, IKAW. Kulang ako sa pansin mo e. Haiy. Sana mabasa mo ito. Gusto ko lang naman na mapalapit sa iyo, maging close tayo. Kaso ang labo ko. Malabo ang mga nangyayari. Mas malabo ang circumstances at instances. MALABO. Haiy. Oo, tama ka nung sinabi mong "Ang gara. Dati sinasabi mo sa akin ang prob mo ngayon ako ang prob mo." Haiy. Ayos lang sa akin na mamroblema ako sa mga bagay bagay, desisyon ko iyon e - ang problemahin ka. Hindi ko na nga alam kung bakit e. Mahal kita, sana alam mo ito. Hindi ako obsessed showy lang ako. Gusto ko lang rin kasi sana na initindihin mo rin ako. Gusto ko rin na mapasaya ka lagi. Ayun lang. Kung para sa iyo e parang wala lang ito at naweweirdohan ka e wala na akong magagawa diyan sa iniisip mo, sa iyo yan e. Basta ang alam ko totoo itong nararamdaman ko para sa iyo. TOTOO. At nagtatampo lang ako sa iyo minsan dahil pakiramdam ko e balewala lang iyong nagagawa ko. Alam kong mali itong ginagawa ko na maglabas ng sama ng loob dahil una, wala akong karapatang magtampo (siguro), at pangalawa, public blog ito. Gusto ko lang naman sabihin e, gusto ko lang. Ang hirap kasi kung itatago ko na lang sa sarili ko, nakakasuffocate lang kasi kapag hindi ko sinabi sa iyo. Naiinggit rin ako sa iba. Oo, naiinggit ako kaso wala naman akong karapatan para maiingit di ba? Gusto ko lang naman na matuwa ka, mapasaya ka, alam mo iyon? Gusto ko lang maging malapit sa iyo. Gusto ko sana na ma-appreciate mo rin ako. Sana. Kaso mukhang malabo na lalo na kung mababasa mo pa. Oh well, I just have to take chances.
Okei go. Nasabi ko na iyong gusto kong sabihin.

Frisbee
Posted by Keb
on , under |
comments (0)
Nakakapagod maglaro pero masaya. Iyon lang.
Joke lang. :) Basta natalo kami (Tiemsen, Piscos, Bjorn, Ako) ng mga bata kanina. LOL. Pro sila e wala kaming magagawa kung hindi matalo. Bukas sana makapag-frisbee ulit kami. Oh well, masaya e. :)
Para kang tanga.
Posted by Keb
on
Sunday, December 27, 2009
, under |
comments (0)
The time it takes for a person to reply to your text message is directly proportional to that person's interest in you.
Masakit pero totoo naman minsan ito 'di ba? Totoo na minsan iyong mga gusto nating mag-reply ay matagal sumagot, minsan pa nga hindi na talaga nagrereply. E anong gagawin mo kung gusto mo talagang magreply siya? Ang dami ko ng sinubukan: a) Pa-loadan at kunin ang kanyang atensyon, b) Mag-gm ng mag-gm upang mapansin, at c) Kulitin siya (example: Mag-text na kunyari e may tsismis at may sasabihin kang importante.) E paano kung pumalpak pa rin? Aba, e 'di maghintay ka.
Minsan nakakagago rin isipin na nagmumukha tayong tanga para sa mga taong halos wala ring pakialam sa atin kung magmukha man tayong tanga. Parang ako, hintay ako ng hintay at lingon ng lingon sa cellphone ko kung may nagtetext na ba. Tanga. Oo, tanga ako at wala akong pakialam kung anuman ang sabihin mo. Bakit ba ako nagpapakatanga sa isang bagay na tingin ko e wala ring pakialam sa pinaggawa ko? Simple lang naman ang rason: Mahal ko siya e. Iyon ang mahirap e, ang magmahal ng tao...lalo na kung hindi ka naman mahal tulad ng pagmamahal mo sa kanya.
Gabi-gabi na lang maghihintay ka kung may text na nga ba. Bigla ka na lang ngingiti kapag lumabas ang "One message received" at pagbukas mo iyon na ang hinihintay mo. Iniexpect mo na personal message iyon sa kanya ngunit bigo ka dahil isa na namang "GM" iyon. Basag. Durog. Minsan naman e mapapangiti ka kapag nag-text siya kapag may special occasion tulad ng birthday o pasko. Lalo ka pang ngingiti kapag nakalagay ang "Thank you talaga at ingat ka lagi!" sa message niya. Tapos aasa ka na magtetext pa siya. Tapos malulungkot ka na lang pag hindi na. Tanga. Tanga talaga.
Bakit ba natin kailangan lokohin ang sarili natin ng mga bagay na alam naman nating hindi mangyayari? Dahil gusto nating sumaya? Saan? Sa pag-asa? Iniiexpect kasi natin na may mangyayari...at doon tayo natutuwa.
Hindi ba katangahan ang pagiging masaya sa bagay na alam nating hindi mangyayari? Hanggang ganun na lang ba tayo? Aasa ng aasa? Maghihintay hanggang mamuti ang mata?
At wala ngang nag-reply sa iyong mga text. Lalo na SIYA: hindi rin nagreply. Matutulog ka na lang ng nakasimangot at malungkot. Sayang lang ang pang-unli, sana binili ko na lang ng pagkain. Sayang lang ang pang-load. Sayang, hindi man lang nagamit. Pa-loadan ko kaya siya para mag-reply? Huwag na, mas sayang lang pag hindi siya nagreply. Tigilan na ang pagiilusyon at pagiging tanga: matulog ka na lang.

Bagong Look.
Posted by Keb
on
Wednesday, December 23, 2009
, under |
comments (0)
Bagong template, bagong hitsura para sa nalalapit na bagong taon. Malapit ng matapos ang 2009 at gusto kong humingi ng tawad sa mga taong nasaktan ko, gusto ko namang magpasalamat sa mga taong nariyan para sa akin. 2010's coming don't stay behind, move ahead.
Her.
Posted by Keb
on
Friday, December 11, 2009
, under |
comments (0)
Still fumbled why I still think of her. It has been a long time since I first met her, since I first saw her radiant eyes and hypnotic smile. Damn. It's been four long years but I still have my feelings for her since the beginning. Yes, her. I chickened out when I still had the chance. I was afraid because of what might happen: rejection. I was afraid, so afraid of the consequences that would follow through. But she's the one I wanted all the time...I only realized it until now. I don't know if she'll believe me but I want her to. This is real, for love's sake! It's been 4 damn years and I don't know why I still like you! I still long for your sight! I still want to see your smile even with your braces on! I'm gonna wear my heart on my sleeves just for you to see. Yes, I do love you still. I haven't felt like these before. Your spunk makes me more in love. Your confidence just leaves me breathless.
I know that I'm not the one that you want, but I just want to let you know that it's you that I want. You're not a rebound. You're not an adhesive or anything of the like. I just want to show my real feelings that have been suppressed for a long time. Yes I did love them before. You'll ask why and here's my answer: I turned my feelings for you to them because you already had someone special back then, simply speaking, I gave up. And I loved her for real, I thought my feelings for you were gone but to my surprise it didn't. It pains me that I broke her heart. But it will pain me even more if it continued and the only feeling I felt for her was pity. I don't want to deceive myself. I want to be honest this time. It's you, yes you, that I want. I love you. Did I already tell you that? Well here is it again: I love you. Let me love you and let me show you what I can do for you. You're not a waste of time unlike what you said.
Masama bang magmahal? Hindi naman 'di ba? Malas mo ikaw ang natipuhan ko. Haiy. Kung matatakot ka wala naman akong magagawa. Mahal lang talaga kita.