Latest News

Para kang tanga.

Sunday, December 27, 2009 , Posted by Keb at 10:02 PM

The time it takes for a person to reply to your text message is directly proportional to that person's interest in you.

Masakit pero totoo naman minsan ito 'di ba? Totoo na minsan iyong mga gusto nating mag-reply ay matagal sumagot, minsan pa nga hindi na talaga nagrereply. E anong gagawin mo kung gusto mo talagang magreply siya? Ang dami ko ng sinubukan: a) Pa-loadan at kunin ang kanyang atensyon, b) Mag-gm ng mag-gm upang mapansin, at c) Kulitin siya (example: Mag-text na kunyari e may tsismis at may sasabihin kang importante.) E paano kung pumalpak pa rin? Aba, e 'di maghintay ka.

Minsan nakakagago rin isipin na nagmumukha tayong tanga para sa mga taong halos wala ring pakialam sa atin kung magmukha man tayong tanga. Parang ako, hintay ako ng hintay at lingon ng lingon sa cellphone ko kung may nagtetext na ba. Tanga. Oo, tanga ako at wala akong pakialam kung anuman ang sabihin mo. Bakit ba ako nagpapakatanga sa isang bagay na tingin ko e wala ring pakialam sa pinaggawa ko? Simple lang naman ang rason: Mahal ko siya e. Iyon ang mahirap e, ang magmahal ng tao...lalo na kung hindi ka naman mahal tulad ng pagmamahal mo sa kanya.

Gabi-gabi na lang maghihintay ka kung may text na nga ba. Bigla ka na lang ngingiti kapag lumabas ang "One message received" at pagbukas mo iyon na ang hinihintay mo. Iniexpect mo na personal message iyon sa kanya ngunit bigo ka dahil isa na namang "GM" iyon. Basag. Durog. Minsan naman e mapapangiti ka kapag nag-text siya kapag may special occasion tulad ng birthday o pasko. Lalo ka pang ngingiti kapag nakalagay ang "Thank you talaga at ingat ka lagi!" sa message niya. Tapos aasa ka na magtetext pa siya. Tapos malulungkot ka na lang pag hindi na. Tanga. Tanga talaga.

Bakit ba natin kailangan lokohin ang sarili natin ng mga bagay na alam naman nating hindi mangyayari? Dahil gusto nating sumaya? Saan? Sa pag-asa? Iniiexpect kasi natin na may mangyayari...at doon tayo natutuwa.

Hindi ba katangahan ang pagiging masaya sa bagay na alam nating hindi mangyayari? Hanggang ganun na lang ba tayo? Aasa ng aasa? Maghihintay hanggang mamuti ang mata?

At wala ngang nag-reply sa iyong mga text. Lalo na SIYA: hindi rin nagreply. Matutulog ka na lang ng nakasimangot at malungkot. Sayang lang ang pang-unli, sana binili ko na lang ng pagkain. Sayang lang ang pang-load. Sayang, hindi man lang nagamit. Pa-loadan ko kaya siya para mag-reply? Huwag na, mas sayang lang pag hindi siya nagreply. Tigilan na ang pagiilusyon at pagiging tanga: matulog ka na lang.

Currently have 0 comments:

Leave a Reply

Post a Comment