Sigaw.
Monday, December 28, 2009
, Posted by Keb at 8:34 PM
Nakakasawa na lang ang mga nangyayari. Nakakainis. Nakakabagot. Lagi na lang naman ganito e, hindi pinapansin ng dapat pumansin. Oo, IKAW. Kulang ako sa pansin mo e. Haiy. Sana mabasa mo ito. Gusto ko lang naman na mapalapit sa iyo, maging close tayo. Kaso ang labo ko. Malabo ang mga nangyayari. Mas malabo ang circumstances at instances. MALABO. Haiy. Oo, tama ka nung sinabi mong "Ang gara. Dati sinasabi mo sa akin ang prob mo ngayon ako ang prob mo." Haiy. Ayos lang sa akin na mamroblema ako sa mga bagay bagay, desisyon ko iyon e - ang problemahin ka. Hindi ko na nga alam kung bakit e. Mahal kita, sana alam mo ito. Hindi ako obsessed showy lang ako. Gusto ko lang rin kasi sana na initindihin mo rin ako. Gusto ko rin na mapasaya ka lagi. Ayun lang. Kung para sa iyo e parang wala lang ito at naweweirdohan ka e wala na akong magagawa diyan sa iniisip mo, sa iyo yan e. Basta ang alam ko totoo itong nararamdaman ko para sa iyo. TOTOO. At nagtatampo lang ako sa iyo minsan dahil pakiramdam ko e balewala lang iyong nagagawa ko. Alam kong mali itong ginagawa ko na maglabas ng sama ng loob dahil una, wala akong karapatang magtampo (siguro), at pangalawa, public blog ito. Gusto ko lang naman sabihin e, gusto ko lang. Ang hirap kasi kung itatago ko na lang sa sarili ko, nakakasuffocate lang kasi kapag hindi ko sinabi sa iyo. Naiinggit rin ako sa iba. Oo, naiinggit ako kaso wala naman akong karapatan para maiingit di ba? Gusto ko lang naman na matuwa ka, mapasaya ka, alam mo iyon? Gusto ko lang maging malapit sa iyo. Gusto ko sana na ma-appreciate mo rin ako. Sana. Kaso mukhang malabo na lalo na kung mababasa mo pa. Oh well, I just have to take chances.
Okei go. Nasabi ko na iyong gusto kong sabihin.
Okei go. Nasabi ko na iyong gusto kong sabihin.
Currently have 0 comments: