Posted by Keb
on
Thursday, December 31, 2009
, under |
Malapit ng mag-2010. Ano ang balak mo sa buhay mo? Mananatili ka na lang na katulad ng dati? Hindi magbabago? Hindi susubukang magbago? Magiging ganyan ka na lang? Nakatirik ang buhay at walang nangyayari? E pano kung nasasaktan ka? Ayaw mo bang sumaya? Anong gagawin mo? Ano?
Ako? Gagawin ko iyong mga bagay na hindi ko nagawa dati...mga bagay na alam kong gusto ko at magpapasaya sa akin. Magpapakasaya ako sa taong darating. Kung masasaktan man ako ng husto dahil sa aking katangahan ay tatanggapin ko ng lubos ang mga iyon. Hindi naman lahat ng bagay e nagtatapos sa kasiyahan. Lalo ring hindi lahat ng bagay e nagtatapos sa kalungkutan. Bakit ka malulungkot kung puwede ka naman sumaya? Ang buhay e binubuo ng mga choices, kaya huwag kang manisi ng iba kapag nagkamali at nadapa ka. Ang gawin mo e imbes na magbunganga ka at magreklamo e tumayo ka at harapin ang kasalukuyan. Maghanap ka ng solusyon sa problema mo. Gamutin mo ang sugat mo.
2010 na. Mamahalin pa rin kita. Kahit hindi mo ako kailangan at gusto. Alam mo kung bakit? Ikaw iyong nagpapasaya sa akin e. Hindi mo man mabasa ito agad. Alam mo naman na sinulat ko ito mula sa puso ko. Cheesy? Siguro. Pero iyan ang nararamdaman ko e. Ikaw ang rason kung bakit ako masaya. Ako lang ang nagpapalungkot sa sarili ko.
Happy new year sa inyong lahat. Cheers. Ngiti lang kailangan. :)
Posted by Keb
on
Monday, December 28, 2009
, under |
Isa lang akong kandila. Isang kandilang may sindi sa aking mitsa at unti unting nauupos. Ang aking apoy ay lubhang napakalaki ngunit kapalit nito ay ang aking pagkatunaw, ang aking mga luha. Darating na lang ang panahon na mamatay ang kandila. Sunog ang mitsa at walang apoy na natitira. Hanggang doon na lang ba? Oo. Hindi. Siguro puwede nating ihulma ang natunaw na kandila at buuin ulit ang nasirang kandila. Ngunit hindi na ito magiging katulad ng nauna, hindi na.
Posted by Keb
on , under |
Nakakasawa na lang ang mga nangyayari. Nakakainis. Nakakabagot. Lagi na lang naman ganito e, hindi pinapansin ng dapat pumansin. Oo, IKAW. Kulang ako sa pansin mo e. Haiy. Sana mabasa mo ito. Gusto ko lang naman na mapalapit sa iyo, maging close tayo. Kaso ang labo ko. Malabo ang mga nangyayari. Mas malabo ang circumstances at instances. MALABO. Haiy. Oo, tama ka nung sinabi mong "Ang gara. Dati sinasabi mo sa akin ang prob mo ngayon ako ang prob mo." Haiy. Ayos lang sa akin na mamroblema ako sa mga bagay bagay, desisyon ko iyon e - ang problemahin ka. Hindi ko na nga alam kung bakit e. Mahal kita, sana alam mo ito. Hindi ako obsessed showy lang ako. Gusto ko lang rin kasi sana na initindihin mo rin ako. Gusto ko rin na mapasaya ka lagi. Ayun lang. Kung para sa iyo e parang wala lang ito at naweweirdohan ka e wala na akong magagawa diyan sa iniisip mo, sa iyo yan e. Basta ang alam ko totoo itong nararamdaman ko para sa iyo. TOTOO. At nagtatampo lang ako sa iyo minsan dahil pakiramdam ko e balewala lang iyong nagagawa ko. Alam kong mali itong ginagawa ko na maglabas ng sama ng loob dahil una, wala akong karapatang magtampo (siguro), at pangalawa, public blog ito. Gusto ko lang naman sabihin e, gusto ko lang. Ang hirap kasi kung itatago ko na lang sa sarili ko, nakakasuffocate lang kasi kapag hindi ko sinabi sa iyo. Naiinggit rin ako sa iba. Oo, naiinggit ako kaso wala naman akong karapatan para maiingit di ba? Gusto ko lang naman na matuwa ka, mapasaya ka, alam mo iyon? Gusto ko lang maging malapit sa iyo. Gusto ko sana na ma-appreciate mo rin ako. Sana. Kaso mukhang malabo na lalo na kung mababasa mo pa. Oh well, I just have to take chances.
Okei go. Nasabi ko na iyong gusto kong sabihin.
Posted by Keb
on , under |
Nakakapagod maglaro pero masaya. Iyon lang.
Joke lang. :) Basta natalo kami (Tiemsen, Piscos, Bjorn, Ako) ng mga bata kanina. LOL. Pro sila e wala kaming magagawa kung hindi matalo. Bukas sana makapag-frisbee ulit kami. Oh well, masaya e. :)
Posted by Keb
on
Sunday, December 27, 2009
, under |
The time it takes for a person to reply to your text message is directly proportional to that person's interest in you.Masakit pero totoo naman minsan ito 'di ba? Totoo na minsan iyong mga gusto nating mag-reply ay matagal sumagot, minsan pa nga hindi na talaga nagrereply. E anong gagawin mo kung gusto mo talagang magreply siya? Ang dami ko ng sinubukan: a) Pa-loadan at kunin ang kanyang atensyon, b) Mag-gm ng mag-gm upang mapansin, at c) Kulitin siya (example: Mag-text na kunyari e may tsismis at may sasabihin kang importante.) E paano kung pumalpak pa rin? Aba, e 'di maghintay ka.
Minsan nakakagago rin isipin na nagmumukha tayong tanga para sa mga taong halos wala ring pakialam sa atin kung magmukha man tayong tanga. Parang ako, hintay ako ng hintay at lingon ng lingon sa cellphone ko kung may nagtetext na ba. Tanga. Oo, tanga ako at wala akong pakialam kung anuman ang sabihin mo. Bakit ba ako nagpapakatanga sa isang bagay na tingin ko e wala ring pakialam sa pinaggawa ko? Simple lang naman ang rason: Mahal ko siya e. Iyon ang mahirap e, ang magmahal ng tao...lalo na kung hindi ka naman mahal tulad ng pagmamahal mo sa kanya.
Gabi-gabi na lang maghihintay ka kung may text na nga ba. Bigla ka na lang ngingiti kapag lumabas ang "One message received" at pagbukas mo iyon na ang hinihintay mo. Iniexpect mo na personal message iyon sa kanya ngunit bigo ka dahil isa na namang "GM" iyon. Basag. Durog. Minsan naman e mapapangiti ka kapag nag-text siya kapag may special occasion tulad ng birthday o pasko. Lalo ka pang ngingiti kapag nakalagay ang "Thank you talaga at ingat ka lagi!" sa message niya. Tapos aasa ka na magtetext pa siya. Tapos malulungkot ka na lang pag hindi na. Tanga. Tanga talaga.
Bakit ba natin kailangan lokohin ang sarili natin ng mga bagay na alam naman nating hindi mangyayari? Dahil gusto nating sumaya? Saan? Sa pag-asa? Iniiexpect kasi natin na may mangyayari...at doon tayo natutuwa.
Hindi ba katangahan ang pagiging masaya sa bagay na alam nating hindi mangyayari? Hanggang ganun na lang ba tayo? Aasa ng aasa? Maghihintay hanggang mamuti ang mata?
At wala ngang nag-reply sa iyong mga text. Lalo na SIYA: hindi rin nagreply. Matutulog ka na lang ng nakasimangot at malungkot. Sayang lang ang pang-unli, sana binili ko na lang ng pagkain. Sayang lang ang pang-load. Sayang, hindi man lang nagamit. Pa-loadan ko kaya siya para mag-reply? Huwag na, mas sayang lang pag hindi siya nagreply. Tigilan na ang pagiilusyon at pagiging tanga: matulog ka na lang.
Posted by Keb
on
Wednesday, December 23, 2009
, under |
Bagong template, bagong hitsura para sa nalalapit na bagong taon. Malapit ng matapos ang 2009 at gusto kong humingi ng tawad sa mga taong nasaktan ko, gusto ko namang magpasalamat sa mga taong nariyan para sa akin. 2010's coming don't stay behind, move ahead.
Posted by Keb
on
Friday, December 11, 2009
, under |
Still fumbled why I still think of her. It has been a long time since I first met her, since I first saw her radiant eyes and hypnotic smile. Damn. It's been four long years but I still have my feelings for her since the beginning. Yes, her. I chickened out when I still had the chance. I was afraid because of what might happen: rejection. I was afraid, so afraid of the consequences that would follow through. But she's the one I wanted all the time...I only realized it until now. I don't know if she'll believe me but I want her to. This is real, for love's sake! It's been 4 damn years and I don't know why I still like you! I still long for your sight! I still want to see your smile even with your braces on! I'm gonna wear my heart on my sleeves just for you to see. Yes, I do love you still. I haven't felt like these before. Your spunk makes me more in love. Your confidence just leaves me breathless.
I know that I'm not the one that you want, but I just want to let you know that it's you that I want. You're not a rebound. You're not an adhesive or anything of the like. I just want to show my real feelings that have been suppressed for a long time. Yes I did love them before. You'll ask why and here's my answer: I turned my feelings for you to them because you already had someone special back then, simply speaking, I gave up. And I loved her for real, I thought my feelings for you were gone but to my surprise it didn't. It pains me that I broke her heart. But it will pain me even more if it continued and the only feeling I felt for her was pity. I don't want to deceive myself. I want to be honest this time. It's you, yes you, that I want. I love you. Did I already tell you that? Well here is it again: I love you. Let me love you and let me show you what I can do for you. You're not a waste of time unlike what you said.
Masama bang magmahal? Hindi naman 'di ba? Malas mo ikaw ang natipuhan ko. Haiy. Kung matatakot ka wala naman akong magagawa. Mahal lang talaga kita.
Posted by Keb
on , under |
Bakit ko piniling makipagbreak sa girlfriend ko? Dahil ba sa hindi ko na siya mahal? Hindi rin.
Minahal ko si Kenji at totoo iyon. Minahal ko siya sa abot ng aking makakaya. Siguro ay napagod lang ako. Napagod sa mga away at hindi pagkakaintindihan. Napagod sa mga pagtatalo. Napagod sa laging pagintindi. Katulad ngayon pagod na sa pagtatype ng mga letra sa keyboard. Naisip ko rin na dahil sa aking paniniwala ay magkaroon lang ng mainit na hindi pagkakaintindihan. Ayaw ko ng pahabain ang mga bagay bagay. Iyon na iyon.
Salamat sa lahat. Patawad at paalam.
Posted by Keb
on
Thursday, November 19, 2009
, under |
Kakapost ko lang ulit dito e kalungkutan naman ang unang post...ironic. Tingin ko e break na talaga kami. Ito naman iyong gusto ko dahil alam kong pareho kaming nahihirapan. Tama lang iyong desisyon niya. Hindi ako masaya, hindi siya masaya, break up na. Next time ko na lang itutuloy kapag nasa tama na akong pag-iisip. Paalam.
Posted by Keb
on
Monday, October 26, 2009
, under |
Natapos na ang aming first sem. Nakakapagod, nakakatok, nakakangiti, atbp. Ang dami kong natutunan at naging kaibigan sa UP. Nag-apply rin ako sa HGC at kasalukuyang hinihintay ang resulta ng interview. Ngayon wala akong pera dahil walang pasok. Dulot nito ay lungkot sa aking nababagot na katawan. Bored na ako at ikaw bored ka na rin ba? Paalam muna at medyo bored pa ako at wala pang creative juices na dumadaloy sa aking veins. Urgh.
Posted by Keb
on
Monday, October 12, 2009
, under |
Birthday ko ngayon. Dapat ba e nagpapahinga ako at nagpapakasarap sa buhay? Hindi e. Hindi puwede. Madami pa akong kailangan gawin at trabahuhin. Badtrip? Medyo lang, normal na lang ito para sa mga susunod na taon. Kailangan kong gawin ang mga requirements na magdedecide ng aking mga grades. Kailangan kong pagbutihin ito. Masaya na ako maraming bumati sa akin. Love you guys! Thanks! Those greetings and wishes meant a lot for me. For someone who doesn't have any siblings those are worth a thousand gifts. Thanks! Kay mama at papa, SALAMAT! LOVE YOU PARENTS! :) Salamat sa lahat! Hindi ko na kailangang isa-isahin dahil marami-rami rin iyon SALAMAT talaga!
Iyon lang para sa ngayon. Goodbye!
Posted by Keb
on
Monday, October 5, 2009
, under |
I don't know what motivated me to post tonight. It might be the weather, the dry air, the nauseating feeling I'm experiencing, or maybe the events happening around the country.
Damn it.
The country is undergoing a state of calamity. Because of what? Because of two darn typhoons hitting us for the past week. One was named Ondoy while the other is Pepeng. I feel pity for those who died because of the flash floods and landslides happening around the metro. Heaps of garbages surfaced after the water and mud from the streets we're removed. The stench that the corpses of animals and humans still remained even after a few days. Bitter tears are flowing from each person who lost their loved ones because of the catastrophe. NGOs are doing most of the relief operations. The government not doing any major activities other than announcing stuffs and receiving donations. Yes, I do acknowledge the efforts the government has been doing but compared to what NGOs and private sectors have been doing I guess it's still not enough knowing what they ought to do.
Damn it.
I can't blame nature for doing these things. It's NATURE and NOBODY could stop NATURE from doing what it wants. Try stopping a hurricane and you'll understand my point. I'm enraged by the fact that the government, after the calamities, is not doing any major actions in order to help the Filipino citizens. If only they did not waste their, erm, I mean, OUR money (by "our" I refer to us Filipinos duly paying our taxes) by eating at fancy restaurants, buying houses that they name after companies, creating advertisements that they label as "Paid by the friends of *Insert Name of Politician HERE* and spending money on crappy things.
Why don't they just spend the money on improving the country? Is it because they won't profit at all if they do so? Are they just taking advantages of their position in order to secure the wealth of their families? Is it because they don't care? They want to support their own personal intentions such as political prowess and position, houses and lands, and the likes. Selfish? Yes they are.
Damn it.
All the Philippines need are unity and discipline among ourselves. We need the government to do what they are suppose to do which is helping people by different means such as educating them, giving them jobs, etc. Calamity and medical equipments should be focused on as well. We just have to help each other. Doing our own specific jobs in the community.
Damn it.
I might be procrastinating on my paper in Eng1 entitled "Justice" that is why I'm all fumed up. Maybe. Maybe.
Damn it.
Posted by Keb
on
Friday, October 2, 2009
, under |
Ok. Hindi pa nakakaraos ang mga tao sa bagyong Ondoy ay may papalapit na naman na bagong bagyo na itago na lang natin sa ngalang Pepeng. Super typhoon type 5 ang nasabing bagyo kaya lahat tayo ay magingat at magdasal. Magtulungan po tayong lahat. Huwag muna tayong mamasyal ng mga ganitong oras. Manatili sa bahay upang hindi madisgrasya. Magingat po tayong lahat at magdasal. Kaya natin to!
Posted by Keb
on
Sunday, September 27, 2009
, under |
Nasa Marikina ako kahapon. Himala at nakauwi pa ako. Buti na lang nakasakay agad ako ng LRT. Pero kahit na masaya ako at nakauwi ako ay nalulungkot at naaawa ako sa mga taong naiwan, nalunod, nawalan ng bahay, namatay, at nasira ang buhay hindi lamang sa Marikina kundi sa lahat ng lugar sa Pilipinas dahil sa bagyong Ondoy.
Ang isusulat ko ay para sa mga taong nahirapan, nahihirapan, at mahihirapan sa mga pangyayaring dulot ng nasabing bagyo. Nakapanlulumo ang nangyari. Para po sa mga kapwa natin Pilipino, ipagdasal po natin ang ating mga kababayan.
Ipagdasal po natin sila.
Para Sa mga Nabasa at Nasalanta
Isang katahimikan ang aking hinihiling
Para sa mga taong dumaraing
Para sa mga taong umaasam
Para sa mga taong humihiling
Ng kaligtasan at liwanag sa oras ng dilim
Isang katahimikan ang aking hinihiling
Para sa mga nawalan
Para sa mga namatayan
Para sa mga nasiraan ng bahay
Para sa mga na-stranded sa baha
Sana sila ay maging maayos sa oras ng kagipitan
Isang katahimikan ang aking hinihiling
Para sa mga nagugutom
Para sa mga walang tulog
Para sa mga nasugatan
Para sa mga nabasa ng ulan
Na humihingi ng saklolo sa oras ng kahirapan
Isang dasal ang aking hinihiling
Sana ay mapabuti ang kalagayan ng mga taong ito
Sana ay mapawi ang luha sa kanilang mukha
Sana ay gumaang ang kanilang nabibigatang puso
Sana ay bukas ay mabawi ang lahat
Sana para lamang sa mga nabasa at nasalanta
Posted by Keb
on
Saturday, August 8, 2009
, under |
*After a long time naka-post rin ulit ako sa wakas, dami kasing ginagawa at ganito talaga pag adjustment period at kailangang magsipag! :) TUNOG GC! GC! GC! GC!
Nasira lang kamakailan ang aking iPod Touch. Sayang nga e. Buti na lang at covered pa siya ng warranty! TAE! Tanga ko kasi e. Nag-wifi ako habang nagchacharge ayun natusta siguro ung circuit board I.D.K.
Na-barbecue ko itong maliit na kupal na ito! WAHOO!
Ayun. Dinala namin ni Kenj iyong iPod sa Power Mac Center at sabi ay papalitan nila at kunin raw nami pagkatapos ng 2-3 linggo. At iyon nabalik naman sa akin. Naayos na at lahat ay bumalik na sa nakaraan. Iyon lang ang kwento ko ngayon gagawa pa ako ng essay e. At kung sino gustong makita ako na sumasayaw e i-pm lang ako. Nagsayaw kasi kami sa KAPPistahan nung nakaraang linggo. NAKAKAHIYA. Haha, akala ko hindi na ako sasayaw sa college. AKALA KO LANG PALA IYON! HAHA!
Bye bye na muna mga readers!
Posted by Keb
on
Monday, July 20, 2009
, under |
Ulan. Badtrip. Wala palang klase nung Friday kaso late na na-announce ng aming Chancellor sa Diliman na walang pasok. Around 7:15 am na yata nung na-announce kawawa kami, lalo na iyong may 7 am class at mga naguuwian galing sa malalayong lugar! BAD TRIP! E nakasakay na ako sa jeep papuntang UP nang ma-receive ko ang announcement tinuloy ko na lang para hindi masayang HAHA! Pagdating ko sa UP ay sarado, hindi lang ang mga buildings, kundi pati na rin ang mga tindahan! Magpapaload dapat kasi ako kaso iyon nga wala e. Hinanap ko rin si Toltol dun kaso wala rin hindi ko nakita. Sumakay ako ng jeep papuntang SM at hinanap dun si Kenj nagtext kasi siya na doon magkita, hindi naman ako maka-reply kasi wala akong load. Hanap ako ng hanap nang nakita ko si RAYMAR PISCOS at nakitawag ako! AYUN! LIFE SAVER KA MAR!!! DAHIL SA'YO AY NALIGTAS AKO!!! Nagkitakita kami nila Kenj, Ken, at Jennylyn sa SM at sabaysabay umuwi. Bumababa na kami ni Kenj sa Bagong Barrio kasi may kukunin pa siya doon sa lola niya. Kumain kami sa Tapsi Hut malapit dun at umuwi sa amin para maglaro ng PS2. Gulat si papa ng makita kami hindi kasi in-announce sa T.V.. Ayun nakapaglaro kami at nakapagrelax at bago umuwi si Toltol ay kumain muna kami sa Mang Inasal. Paguwi namin ayun! SAKTO! Nagkasipon ako hanggang ngayon dahil sa ULAN na iyan. Sana hindi ako nagkasipon at nakapunta sa praktis ng sayaw namin ngayon kung sinabi lang ng maaga na wala ng pasok. Pero Ok na lang rin, tapos na e. HAIY. Sana di na bumara iyong ilong ko. Hindi na dilaw ung uhog ko e. YUCK! Hehe baboosh!
P.S.
Kung sino may extrang towels dyan akin na lang ha. :)
Posted by Keb
on
Friday, July 3, 2009
, under |
"Kumusta ka na mambabasa? Na-miss mo ba ako? Marahil hindi! POTEK! I HATE YOU NAHH!"
- iyan sana ang sasabihin ko kung ako ay papansin, pero papansin ako pero di ko sinabi pero kailangan ko pa bang sabihin ang bagay na nasabi na? Hindi ba redundancy na iyon? Katulad nito? Nito? Nito? Nangtitrip lang naman ako e. Pagbigyan mo na ako kasi ngayon lang ulit ako magpopost dito. WATCHUTHINK EHH?! Ang magreact panget at magkakaron ng pimple na may nana (YUCK!) sa may dila (AWHH SAKET!) BWAHAHAHAHAHAHARHARHARHAR!
Friday na naman. Pahinga nga ba ang puwedeng mangyari ohassle na naman sa school works. Pero bago tayo dumaong sa mga bagay na masakit isipin e happy moments muna tayo.
"I'm so gleeful! UH HUH HUH HUH!"
Okay tapos na ang happy moments back to our story
Nagsimula ang araw ng simple. Span10, Philo12, Kas1, at Philo10 lang ang mga klase. Nanuod kami sa Philo10 ng dokyu tungkol sa Indian history (Cool.) at meron kaming activity (NAH, not COOL.) at pinapili kami sa arts or music (COOL!) ngunit wala akong acoustic guitar (POWTEK.). Gusto kong tumugtog e, kaso Indian music at hindi ako masyadong pamikyar sa ganoong field. Sana kung tungkol sa mga heartbreaks, kamatayan, pasko, isaw sticks, havaianas, at kung ano pa na maririnig sa contemporary rock music. Haiy, kaya ngayon ay pagaaralan ko kung paano ang tunog ng sitar-ang common instrument ng INDIAN music! SHEMAYS!
So many frets, so little time. Dapat nag stick na lang si manong sa ukelele.
Boy: Manong pano ho ang G sharp augmented?
Manong: Uhh...eto o...*dukot*
Boy: Manong hindi po T-back.
Manong: Sabi mo G sharp augmented, eto ang G String mo amp!
Gagawa pa ako ng music with regards to its (Indian) philosophy. Kaya natin to dahil...
...ang gagawa ng music ko! *YABANG MO KEVIN! HARHAR!
At bukod pa doon e gagawa pa ako ng essay sa Eng1 ko para kay Oble at sa Quezon Hall na kanyang tinitirhan dito sa Diliman. Haiy, ang naisip ko pa lang e kung nilalamig si Oble sa gabi. Baka sipunin siya di ba? Kawawa naman ang ating simbolo ng katotohanan.
Kumain kami kanina ng isaw sa tapat ng International Center sa Peyups kanina. Sarap P2 lang isang serving at ang daming bumibili! Haha! Kahit taga-Miriam e umaabot dun e! Kaso ang tagal ng aming paghihintay pero it's worth it naman e.
This is not a cooked worm, damn it. This is isaw, this is worse than that. :)
So paano ba yan, paalam na talaga to. Sa uulitin sana mabasa mo pa ang mga isusulat ko. Mamimiss kita.
P.S. Manood kayo ng UAAP ha! :)
Posted by Keb
on
Sunday, June 21, 2009
, under |
Madalas siguro natanong mo na sa sarili mo, "Totoo ba ito? Baka ginagago lang ako nito! HAHA!". pero paano nga ba natin masasabi na real ang isang bagay? Di ko rin alam iyong sagot e, sori naman. Pero may sarili akong opinyon tungkol sa bagay na ito. Simple lang.
If you think therefore it is.
Parang iyong kay Rene Descartes:
"I think therefore I am"
Bigotilyo si Descartes amp! Kala mo si Mr. Potato Head! BWAHAHAHA!
"Anong TINITINGIN TINGIN mo ha?! Iyong PINK kong tenga?! G%#*& KA!"
BWAHAHAHAHA!
Ok back to topic. Sabi ni Rene (OO, close kami, angal?) iniisip niyang totoo siya kaya malamang totoo nga siya na ang ibig sabihin e nakikita siya ng nanay niya na nakita ng manugang ng nanay niya na nakita ng anak nila na nakita ng lolo niya na nakita ng aliens na dumokot sa kanila si Rene. Pero hindi ibig sabihin na kapag di mo nakikita ang isang bagay e hindi na ito totoo. Pano iyong hangin. "E kasi nararamdaman!". E pano iyong love? "E kasi nararamdaman." Magulo na ba? Ako rin e, naguluhan! HAHAHAHA! Eto lang iyon. Maniwala ka sa gusto mong paniwalaan, it wouldn't hurt much naman di ba? Maniwala kang totoo iyong bagay na iyon dahil sa tingin mo totoo iyon. Simple? Hindi rin! HAHAHA! Sige bye na muna at eto ang hanging question:
"Totoo kaya ako?"
KANTA YAN! "214" ng Rivermaya! AM I REAL DODOOOODODOO DOOODOO make me feel! HAHAHAHAHA.
FIN.
Posted by Keb
on , under |
Nakakapagod. Pero masaya naman e! Masaya iyong mga subjects ko sa Philo, ewan pero naeenjoy ko sya. At marunong akong mag-spanish kahit konti! Haha! OLA! Nice nice di ba? Ang iniisip ko lang ngayon e pano kung madaming assignments, sana di naman madami, at nasan na ba iyong mga quizzes sa syllabus? Hindi ko kasi makita, totoo bang long quizzes lang ang meron? O meron ring short ones? Either of the too, I still have to be prepared, saka na ako magsusulat ng aking intellectual ideas (parang meron no? Pero WALA naman haha!) kasi baguhan pa lang ako sa UP at wala pa namang exciting na nangyayari (iyong tipong nahulog ako sa jeep, nagkasakit ang teacher, chuchu, atbp). Debut kahapon nung kapatid ni bespren Louie si Ate Jona, BELATED HAPPY BDAY!! :) May incoming orientation pala college namin, so help me God. Iyon long for now, byebye! God bless!
Posted by Keb
on
Tuesday, June 16, 2009
, under |
HELLO! 2 months bago ako magpost ng bago dito, hahahahaha, tinamad ako e, normal iyon! Ngayon ay college na ako at medyo pagod na ngayong gabi. Etong susunod e ang experience ko sa first day ko sa UPD.
First day?
Ayos lang. Cheesy. Haha joke lang, well by far maayos naman, I was an hour and a half earlier, beat that for a freshie with only one subject! Haha joke. Pagpasok ko ng CAL may mga Anakbayan, sabi ko nice then I walked upstairs telling myself this is UP. Ang una kong klase was at CAL 510 which was English 1, the room was cozy and the prof was cool (she reads Neil Gaiman). Nung pumunta ako sa room e nahihiya pa ako, pa-demure ika nga nila. I was wondering or hoping sana wala na ung prof para sibat na kaagad, as time passed by ayun dumating iyong mga ka-blockmates ko from Philo at kasunod nila e iyong instructor! NICE! MAY KLASE! AMP! Haha! Tungkol pala sa mga essays ung Eng 1, e di roll call muna, buti yung iba naka-laminate ung Form 5s nila, ang ganda tuloy tingnan, iyong akin durog e. Nagtanong yung teacher namin kung anong mga books ang binabasa namin, sagot naman ako Dan Brown haha un ung recent na nabasa ko e. Then before we capped off the class sabi nung prof, gawa muna ng essay about who you want to be if you're a superhero. Who did I choose? Batman, anonymously, gusto ko kapa niya e, bulletproof iyon! Haha! Tapos nga pala ang dami kong nakitang high school friends, si Ken (na papuntang Math building), Ileene and Jessica (na nakasabay namin pauwi), Joshua (na kumain sa CASAA), si Jennylyn (na may kasamang babae), at si Sheila (na parang galit haha). Hindi ko na masyadong maielaborate ang mga bagay bagay medyo pagod na ako e. Pahinga na muna ako, and I'll try to update my blog as often as possible and create longer and funnier events in my so-called college life. So until here na lang muna. Sabi nga ni John Lloyd, INGAT! Salamat kay Kenj! Pati na rin kay Ileene at Jes!
Posted by Keb
on
Thursday, March 12, 2009
, under |
Hello! Tagal na rin bago ako nakapag-post dito sa blog ko. Haha. Dami na ring nangyari e, pero ngaun was one of the best and maybe the worst, (kung wala ng mas lalala). Nafeature kasi kami sa GKNB, congrats kay Jomhel, galing mo pare! Haha. Pero hindi iyon ung focus nitong post ko. It's about being a man, an ideal man. Straight to the point na, nag-cool off kami ng GF ko na si Kenj, at eawn ko kung saan hahantong ito, ewan ko lang kung saan mapupunta to. Kasi dati naman nagkakatampuhan kami at tapos "magbebreak" pero bukas o mamaya "kami" na ulit, parang tampuhan lang, pero this time, it's an effing serious matter. The reason we cooled off? Porn. Yeah, may nkita kasi siyang pictures sa iPod ko, at iyon na-disappoint siya as a my girlfriend and as a woman, I upset her religion and beliefs, Damn, di ko alam na ganoon pala. Becoming a real man need not to have this pictures or videos around you and then you'll shout lalaking lalaki ako. I learned now that the more important thing on becoming a real man is how you respect other people, their beliefs and trust for you. I believe this is the best way I could renounce myself of what I have done. Emo, stupid or corny, whatever other people say I'll still write this shit off just to tell you what I feel and to show that I'm really sorry for what I've done. I know it's stupid, it's a hell whole of stupidity that I have here. Sorry tol, mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo ako. I felt insensitive and stupid, yes I admit that I'm wrong, I guess it's just the correct decision, just to teach me a lesson. I should not have done it. Sorry. I guess for some that seeing something like those is not a big deal, but the big deal here is that I hurt a person and made her disappointed because of those. Stupid, that's the perfect word for me. Stupid Idiotic Moronic Kevin. As for the next thing after this? I don't know, but one thing's is for sure, Kenji, if you're reading this, you are still here in my heart, your the reason why it still beats, I'll treasure you even for the darkest hours. My love for you is real, even if we fight because of our clashing egos, it's allright. Mahal KITA! KITA means YOU...Kenji I Love You!
~P.S. The sun really does set - Kevin
Posted by Keb
on
Wednesday, February 18, 2009
, under |
Gara! Nakaka-hook kasi itong game na ito e, kaya konti ang posts ko sa blog ko na ito (kahit walang nagbabasa, hehe) try niyo rin minsan ito ahh, www.travian.com at www.travian.ph, okei? Asteeg yan kaya sa susunod muli! Busy sa school dahil sa sayaw, tangong yan! Amp!!! Nakakahilo ka! Tango Tango! TANGO! Phew! Buti na lang magaling mga kagrupo ko! Nice Nald! :D Hehe. Hanggang dito muna ang aking pagkukuwento! Paalam mga bata! GB! Puro exclamation point! WAW! ASTEEG! RAKENROLPIPOL!
Posted by Keb
on
Monday, February 9, 2009
, under |
Phew! Malapit na ang prom namin! Sayang hindi lahat sasama para sa prom. Pero sabi nila ienjoy pa rin dapat iyon. Ngayong araw nag-practice kami para sa prom, iyong tutugtugin namin ay Decode by Paramore at Hero/Heroine by Boys Like Girls. Good luck na lang sa amin! Sila Drin naman iyong isa The Great Escape by Boys Like Girls at undecided pa doon sa isa. Kapagod kanina sakit sa daliri, pero carry lang. So ingats at GB!
Posted by Keb
on
Thursday, February 5, 2009
, under |
Yeah, kapagod magperform! Bukas meron pa kaming ipeperform, nga pala gagawa pa ako ng invitation para sa promenade namin kaya good luck naman sa akin! Konting tiis na lang at ga-graduate na rin kami!!! WOOOOOOO!!! GB!!! Wala munang mahahabang posts :). BYE!
Posted by Keb
on
Tuesday, February 3, 2009
, under |
Hi there readers! Medyo matagal-tagal rin bago ako nakapagpost dito sa aking online blog medyo madaming ginagawa, mga practice sa teatro at banda. Bukod pa doon ay nasira ang aking connection sa internet kagabi! Ang rason ay napagbaligtad ko ang kable, phew, buti na lang at maayos na ngayon. Kapagod nga e, galing pa ako kanina kala Drin, nagpractice kasi kami ng tutugtugin para sa prom, Decode iyong napraktis kanina at namula ang aking hintuturo! Awh! Blistered but worth it! Astig nung outro, haha, nakakamiss. At iyong sa teatro pala namin asteeg so far, iyong stage ang ganda, ang galing kasi nila Ken at Jards, dynamic duo, kala mo talaga mural! Sana makapunta kayo this coming Friday or Saturday, the more the merrier; iyong pupuntahan naman nung funds e para sa kawang gawa rin kaya manonood na kayo makakatulong pa kayo! :) Here's the poster anyway, enjoy viewing?!
Bye! See ya!
Posted by Keb
on
Friday, January 30, 2009
, under |
Nakalimutan kong mag-post kagabi, busy kasi ang buhay (madaming gagawin, so little time, and it is really running out, emo!). Kahapon kasi medyo nabadtrip/nawala sa mood at ang rason? Isipin mo na lang na ang garapata nakiki-hitch hike sa isang aso para makapunta sa ibang lugar, na ang orchids ay kumakapit sa puno para mabuhay, na ang damo ay nabubuhay katabi ng mga halaman, na ang bumbay ay nagpapa-five six (walang konek), na mas mahal ang G-tec kaysa sa HBW (wala ulit konek), na na na na na ne ni no nu, ahh basta hindi naman ako galit, naiinis laang. Pero ngayon ayos na ako, ligo lang pala ang katapat ng aking tampururot, may practice pa kami para sa Teatro bukas, at gagawa pa ako ng vid, at magdedefend pa ako ng thesis ko at potek dapat wala ng "at" dapat "tapos na". Haiy. Kapagod maging estudyante no? Apir! Pero sarap naman ng feeling na ga-graduate ka na e.
Grumaduate sila para lang maghagis ng cap, tsk tsk. Tapos magkakaroon ng march ng flags, awardees, teachers, at at...huhuhuhu parents na super tuwa! At tapos ng ceremonies may iyakan, yakapan, sundutan (ng ilong kunyari close sila!), at bukas magkasama na ulit sa tamabayan na parang walang nangyari, asteeg di ba? Pero sabi nila na ang high school life mo na raw ang pinakamasaya sa lahat na madaraanan mo, sabagay may punto sila dun. 11 na pala GTG! Bye for now!
P.S.
Ang sabi ng araw sa tao, "Lagi akong magbibigay liwanag kahit di mo kailangan."
- Anonymous
P.S.2
Kakornihan ko lang iyong nasa taas, attempt ko lang sa pagiging next na Balagtas. BYE!
Posted by Keb
on
Wednesday, January 28, 2009
, under |
Gumawa kami ni Toltol (AKA Kenj) ng mga ticket at souvenir para sa play namin sa Teatrong Walang Pangalan, asteeg nga ng mga kinalabasan, nakakatuwa ahahaha. Mukhang vintage something ang lumabas at masaya ako doon! Panoorin niyo sana iyong presentation namin at maipapalabas namin siya sa February 6-7, 2009 sa CCSHS AVR. Nga pala! Tuloy na ang prom namin yehey! HEPHEP HOORAY!!! Medyo seryoso muna mga blog ko wala munang kalokohan hehe, sa susunod na lang ulit iyong mga kalokohan kong iyon. Ito pala iyong para sa teatro namin (mga cards/souvenirs):
Front Page
Back Page
P.S. Iyan iyon! So byebye na muna! Gotta go!
Posted by Keb
on
Tuesday, January 27, 2009
, under |
Yes! Kahit paano ay nabigyan ako ng pag-asa, baka magkaroon pa ng promenade ball. Sana nga magkaroon kami kasi last year na namin to e. Eto iyong panahon na kung saan nagmumukha kaming disenteng tao sa mga gowns at suits namin, hanep ang pomada at gel sa buhok ng lalake, baby oil at spray net naman sa mga girls, asteeg, tapos ang guguwapo ng mga lalake at nagsisigandahan ang mga babae, asteegin. Ayos rin iyong parang batch prophecy last year courtesy of Jelik, haha akalain mo nga naman may astronaut sa batch namin! DOBOL ASTEEG! Tapos magsasayawan na, ako kapartner ko si Kenj e, pero may sinayaw rin naman akong ibang mga babae, masaya feeling na nakikipag-bonding ka sa mga tao in a formal manner feeling mo parang mature ka na kahit minsan hindi pa (and at some instances hindi talaga) kaso ngayong fourth year nakakaiyak, last na to e sa college naman kasi walang ganito ganito, kung meron man bibihira. Kaya nga gusto ko magkaroon ng ganito e, last year na, huling prom, ga-graduate na tayo, maganda sana kung meron man tayong idagdag na bagong memories di ba? Emo mode ata ako ngayon. *Biglang maaalala ang Friends Forever* HUHUHU! LAPIT NA KASI NG GRADUATION!!! I LOVE YOU ALL!!! Korni na ulit. Until next time!!
Posted by Keb
on
Monday, January 26, 2009
, under |
Medyo nanghihinayang ako kanina ng malaman ko na wala na kaming prom, hindi kasi umabot sa tamang bilang iyong mga resolutions e, pero sabi nga nila, carry lang. Sayang nga e kasi last year na sa high school pero okay lang. Bukod pa dun e nagkaron ng eliminations para sa Most Outstanding Student of Caloocan, wow bigaten, hirap nung test kasi ung ibang items medyo limot ko na, salamat sa sampung piso ni Christine at naalala (at nalaman) ko ang spelling ng Barasoain Church, oha! AMP! At kanina noong pumunta kami sa National ni Toltol ay nakakita ako ng libro tungkol sa origami, kahit hapon ito at di ko maintindihan ay nabighani ako sa mga shapes at pwedeng mangyari sa buhay mo kapag tumupi ka ng papel, pwedeng Pikachu, puno, ibon, ibon, bird...ibon? Puro iyon kasi yung nandun pero ASTEEG!!! Hmmm...kapag tumanda na ako eto pangarap kong gawing origami...
Lilipad ako dito!
Tandaan niyo lang mga pare, keep holding on and you know I'm here for you, loka! Okay go, magtupi na kayo ng papel baka malay niyo you're destined to become a paperista. Corny na. Bye.
Posted by Keb
on
Sunday, January 25, 2009
, under |
Alam niyo ba na ang sumpit ay hindi lang munggo ang ginagamit na bala, pati pako na nasa kahoy ginagamit na rin, deadly! Bumili kasi kahapon si Ser Cabic (complete with a crossbow set pa) sa Nayong Pilipino, kala mo hired killer at vigilante ala The Punisher. Kaso mahal e, mga ita nagbenta sa amin, akin naman pala ay pana pang-Physics lang, projectile kasi ang arrow kapag na-release. Madaming crossbow at sumpit dun e, ewan ko lang kung bakit madaming nagbebenta kahit na medyo delikado, i-imagine mo 'yung lasing:
L1: Paaaareeee, may sumpeeeeet ako galing Nayong Pilipino...etttoooo ung bala o...uno medya na paaaaakoooo...*hic*
L2: Pateeengin nga pare...*hic* abaaaa...*hic* ganda nito ahhh...*hic*...patesting naman pareee...*hic*
L1: Eto pareeee...*hic*
L2: Pano ba ito gamitin *hic*? Ganito ba *hic*? *SWOOOSHHH*
L1: *SWOOK* galing pare bull's eye...*hic* pero pare parang may dugooo ata...*hic*
L2: Pare...*hic* lasing ka lang...
Di ba delikado? Ano ang moral ng lesson? Wag iinom ng beer mahirap malasing, baka mabull's eye ang eye mo, o di kaya maging porkchop ang hiwa sa binti mo, yuck. Kagaya nga ng sinabi ni Robin Padilla, be a liver-lover boy!!! Pero kung di mapigilan, matulog na lang.
Posted by Keb
on , under |
Yehey! Medyo maaus na blog ko! Nalagyan ko na ng iMeem at ng Cbox. Okay go!!! Ang babaw ko pala!!! Gagawin ko pa pala ang IP na Mam Mondoy, dang. Bukas ko kasi ipapasa iyon. Tungkol iyon sa mga lamok at mga citrus fruits (KONTRA DENGUE!). Be back later!!! :)
Posted by Keb
on
Saturday, January 24, 2009
, under |
January 24, 2009. Ano'ng meron? Field Trip NAMIN!!! Gumising ako ng medyo maaga kumpara sa aking usual na paggising, mga 5 o'clock ng umaga gising na ako. Ang una kong ginawa ay umupo sa aking mahiwagang trono at naligo na ng tuluyan. Kumain ako ng aking agahan dahil alam ko na ang aming pupuntahan ay malayo, oo malayo, pano ko nalaman na malayo? Dahil sa letter na binigay, duh. Matapos kumain ay sinuot ko na ang damit ng aking pinakamamahal na GF, si KENJI CATE C. TAMBO!!! Cool na cool lang ako sa pagupo sa loob ng bahay, ngunit ang aking tyan ay kinapupunuan na ng mga paputok ang aking tiyan na gustong sumabog (in short excited ako)!E di dalidali ko ng binitbit ang aking mga baon, at kung anu ano pa, at ang aking EVER SUPPORTIVE na nanay ay hinatid ako sa school (NICE)! Hintayan na ang drama sa school ng ako ay dumating, madami pa palang mas maagang dumating sa akin kahit na sa kabilang kanto lang ang bahay namin, dammit, di ako makakapanggulat. Isa isa ng dumating ang aking mga kaibigan at kaklase kasama si Kenj, sakto naman ay mayamaya ay pinapila na kami upang pumunta sa kanyakanyang bus, ang napunta sa amin ay ang bus number 3! Ngayon, nandun na kami sa bus, kainan na ang nangyari, subo dito, dila doon, donut dito, chichirya doon, sana hindi na lang ako nagagahan para nakarami ako, pero ayos lang naman. Ang dami naming napuntahan, Nature's Spring, Nayong Pilipino, Paradise Ranch (nice Eman), at ang DUTY FREE (AKA Pure Gold)! Daming chocolate dun! Ano ka ngayon Axe Dark Temptation?! Anyways, oo masaya, pero mas malungkot, bakit kamo? Fourth year na ako e, kami, ga-gradute na, meaning wala ng masasayang field trip sa high school, konting bonding moments, iyakan na ang susunod, malapit na iyon sigurado ako, well, all is well that ends well. Masaya ang field trip namin ngayon! Masaya ang magkaroon ng kalog, mali...wanag magisip, palabiro, madaming pagkain, galante, at higit sa lahat maasahang kaibigan. Hindi ko malilimutan itong field trip na ito. Huli na ito kaya kailangang alalahanin, isapuso at isaisip. Corny na e, ibig sabihin stop na. Kaya hanggang dito muna.
P.S.Naiwan ko notebook ko sa chem sa bus. Ang husay ko! Mabuhay ang aking mga kalahi! AHU AHU AHU!
Posted by Keb
on , under |
So, eto 'yung una kong post. May blogs ako dati, kaso walang laman, kasi walang time magpost, pero ngayon dahil nagiging light ang schedule ay pipilitin kong ayusin ang aking online diary. Kaya ano pa ba ang hinihintay natin? Basa na!